“PWEDENG AKO NALANG?”

source: Pinterest

Bakit sa bawat gagawin ko, puros kulang.
Bakit sa bawat sakripisyo ko, parang wala lang.
Bakit kahit nandito ako palagi sayo, siya parin ang hinahanaphanap mo.
Di ko alam kung bakit ganun ka
Ginawa ko na ang lahat ng aking makakaya.
Pinilit kong pinagtagpo ang mundo mo at ang mundo ko.
Sakit, dalamhati, kalungkutan ay di mawari.
Tawagin mo man akong tanga,
Ipahiya sa harap ng mga madla,
At ipagtabuyan na ayaw mo na talaga,
Hindi ako sumuko o nagpahinga man lang.
Lahat ng atensiyon mo palaging nasa kanya.
Ni kahit minsan di mo magawang ako’y lapitan.

Leave a comment