
“Pwedeng layuan mo nalang ako?”
Yan ang mga salitang binitawan,
na sadyang napakasakit pakinggan.
Hindi ko mawari kung ano ang susunod na hakbang,
Kung mananatili o simulan nang ika’y kalimutan.
Naguguluhan na ako ng sobra.
Ang dating bituin na kumikinang,
Di na mahanaphanap sa kalangitan.
Tiniis ko parin at nagpasyang hintayin ka.
Ang mga sigaw at takwil ay benalewala.
Umaasang magbago kana
At makapagsimula na tayong dalawa.
Pero hindi eh,
Bawat takbo ng oras tila napakahirap.
Nakakapagod din pala
At sa pagkakataong yon,
Ayaw ko na talaga
Sa lahat ng dinanas ko, wala akong napala.
Sa pag-ibig kong lubos sayo, wala akong nakuha.
Kaya sana sa paglisan ko,
Makita mo ang halaga ng mga bagay na ginawa ko.
Na nagsilbing araw ako sa isang bulaklak,
Na tanging tubig lang ang hinahanaphanap.